advertisement
Showbiz News

Kilalanin ang mga bida sa Korean fantasy series na 'Bride of the Water God'

1 of 6

Habaek

Si Nam Joo-hyuk ang gaganap bilang water god na si Habaek, na pumunta sa mundo ng mga tao para hanapin ang mga sagradong bato na makatutulong sa kanya para maging hari ng kapwa niya mga diyos.

2 of 6

Lara

Bibigyang-buhay ni Shin Se-kyung ang karakter ni Lara, isang psychiatrist na nakatakdang maging tagapagsilbi ng mga diyos. Kakailanganin ni Habaek ang tulong niya sa paghahanap sa sagradong mga bato, matapos na mawala ang abilidad at kapangyarihan nito bilang isang diyos sa pagdating sa mundo ng mga tao.

3 of 6

Moora

Makikilala si Krystal Jung bilang Moora, isang diyosa ng tubig at sikat na aktres sa mundo ng mga tao.

advertisement
4 of 6

Biryeom

Gagampanan ng Korean actor na si Gong Myung ang karakter ni Biryeom, isang diyos ng hangin.

5 of 6

Henry

Mapapanood si Lim Ju-hwan bilang Henry, isang CEO ng resort na may lihim na pagkatao.

6 of 6

Bride of the Water God

Abangan ang Bride of the Water God, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 p.m. sa GMA.

advertisement

Around GMA