IN PHOTOS: Meet the characters of 'Love Actually'

GMA Logo Love Actually

Photo Inside Page


Photos

Love Actually



Love knows no age sa Chinese romantic comedy series na 'Love Actually!'


Kuwento ito ng matagumpay na career woman na si Ariana, na nagtatrabaho sa isang kumpanyang nagma-manage ng malaking restaurant chain. Hangad ni Ariana na mas umasenso pa ang kanyang career at gagawin nya ang lahat upang makamit ito.

Matatarayan niya si Darren dahil sa isang maliit na insidente sa airport. Katatanggal lang ni Darren sa kanyang trabaho at kailangan nya kaagad maghanap ng kapalit dahil may nakatakdang siyang bayarin sa tinitingnang bagong bahay ng kanyang asawa na si Layla.

Hindi rin makakaligtas sa pagmamaldita ni Ariana si Zander, isang binatang IT genius na nakapagtayo ng sarili niyang game development company na tinatrato ang buhay ng iba na parang isang laro.

Huli na nang malaman ni Ariana na anak pala ito ng kanyang boss.

Lalong magbubuhol-buhol ang mga buhay nilang tatlo nang i-hire ni Zander si Darren sa kanyang kompanya at magtatagisan ang dalawang lalaki para sa atensiyon ni Ariana.

Sino ang magiging mas matimbang para kay Ariana?

Si Queen of Idol Dramas Joe Chen ang gaganap bilang Ariana. Minsan na siyang minahal ng mga Pilipino matapos bumida sa mga hit television series na 'Fated to Love You' at 'Frog Prince' na parehong umere sa GMA ilang taon na ang nakalipas.


Ang hot rising star na si Wang Yibo naman ang gaganap bilang Zander habang si award-winning actor Tong Dawei naman ay si Darren.


Abangan 'yan sa Chinese romantic comedy series na 'Love Actually,' simula March 8, Monday to Friday, 2:45 pm sa GTV. Huwang din palampasin ang second telecast nito tuwing gabi, 11:20 pm.

Samantala, kilalalin ang mga tauhan ng kuwento at mga artistang gaganap sa kanila sa gallery na ito:


Joe Chen
Wang Yibo
Tong Dawei
Lin Peng
Love Actually

Around GMA

Around GMA

Suansing urges Senate to resume bicam on 2026 budget as soon as possible
PBBM vows completion of San Juanico Bridge rehab by 2026