IN PHOTOS: Meet the members of the PSG of 'First Lady'

Marami ang natutuwa sa nakakakilig na pagmamahalan nina President Glenn Acosta (Gabby Concepcion) at First Lady Melody Reyes-Acosta (Sanya Lopez) sa top-rating GMA Telebabad series na 'First Lady .' Pero marami rin ang nakakapansin sa kakisigan at kagandahan ng mga miyembro ng Presidential Security Group na nagbibigay proteksyon sa First Family.
Kung ang mga naggagwapuhan at naggagandahang miyembro rin naman ng PSG ang pag-uusapan ay nangunguna sa listahan sina Conrad at Val, ang mga karakter na ginagampanan nina Pancho Magno at Thia Thomalla.
Nag-propose na kasi si Conrad kay Val sa 'First Yaya' pa lang kaya marami ang nag-aabang kung ano ang mangyayari sa kanilang kasal.
Bukod kina Pancho at Thia, kilalanin pa ibang mga aktor na gumaganap bilang miyembro ng PSG dito.








