IN PHOTOS: Meet the star-studded cast of 'The Fake Life'

Muling mapapanood ang batikang aktor na si Ariel Rivera sa 'The Fake Life,' kung saan makakasama niya sina Beauty Gonzalez at Sid Lucero, simula June 6.
Sa 'The Fake Life,' gaganap si Ariel bilang bee farm owner na si Onats Villamor, na mapagmahal na asawa kay Cindy at ama kina Jaycie at Jonjon.
Lumaki sa hirap at naulila sa maagang edad si Onats kaya nang magkaroon siya ng sariling pamilya ay ipinangako niyang magiging mabuting provider siya sa kanila.
Ano kaya ang mangyayari kung malaman ni Onats na peke pala ang buhay na sa tingin niya ay sa kanya?
Bukod sa pagbabalik ni Ariel sa GMA, inaabangan na rin ang reunion nina Kristoffer Martin, Bea Binene, at Jake Vargas bilang ang mga batang Onats, Cindy, at Mark.
Kilalanin ang iba pang mga bibida sa 'The Fake Life' sa gallery na ito.














