Hindi matatawaran ang husay ng mga aktor at aktres na mula sa paggawa nila ng kontrabida roles ay napatunayan nila na may ibubuga rin sa pagganap bilang mga bida sa kani-kanilang proyekto.
Una na riyan ang mga versatile talents na sina Glaiza De Castro, Rita Daniela, at marami pang iba.
Kilalanin kung sino-sino ang mga showbiz personalities na effective maging kontrabida at bida sa gallery na ito!
Binansagang La Nueva Kontrabida si Kyline Alcantara dahil sa husay niya sa pagganap ng iba't ibang characters sa 'Kambal, Karibal.'
Nabigyan si Kyline ng kaniyang kauna-unahang break bilang isang bida sa afternoon prime series na 'Inagaw Na Bituin.'
Ang pagiging kontrabida ang nakasanayang roles ni Rita tulad noong naging bahagi siya ng 'Villa Quintana' at 'Strawberry Lane.'
Kinagigiliwan si Rita bilang si Aubrey, ang babaeng nagbagong-buhay dahil sa pag-ibig ni Boyet (Ken Chan) sa 'My Special Tatay.'
Kilala si Katrina Halili bilang kontrabida sa mga seryeng 'Marimar,' 'Darna,' at 'TODA One I Love.'
Sa 'Prima Donnas' gumanap si Katrina Halili bilang si Lilian ang surrogate mother nina Donna Marie, Donna Belle, at Donna Lyn.
Nakilala si Mylene Dizon bilang ang kontrabida na si Sally sa 'Sa Dulo ng Walang Hanggan' noong 2001.
Gumanap naman si Mylene Dizon bilang ang mapagmahal na ina na si Manisan sa GMA Telebabad series na 'Sahaya.' Kasalukuyan din siyang bida sa GMA Afternoon Prime series na 'Bilangin ang Bituin sa Langit.'
Nakilala bilang prima kontrabida si Jean Garcia sa seryeng 'Pangako Sa 'Yo,' kung saan gumanap siya bilang Claudia Buenavista.
Isang loving mother naman kay Sep (Alden Richards) ang ginampanan ni Jean Garcia sa GMA Telebabad series na 'The Gift.'
Kilala si Gabby Eigenmann sa kanyang pagganap bilang kontrabida sa iba't ibang serye sa GMA. Marami ang humanga kay Gabby dahil sa galing niya sa pag-arte bilang si Vito Imperial Jr. sa 'Contessa.'
Gumaganap bilang si Arthur, isang eligible bachelor at entrepreneur si Gabby Eigenmann sa GMA Afternoon soap na 'Bilangin ang Bituin Sa Langit.' Mapapamahal ang kanyang karakter kay Nolie, ang karakter ni Mylene Dizon.
Inulan ng basher ang versatile Sparkle actress na si Faith da Silva nang pumagitna sa loveteam nina Barbie Forteza at David Licauco sa GMA Prime series na 'Maging Sino Ka Man.'
Gumanap noon si Faith bilang si Betty sa action-drama series ng BarDa. Nag-play rin kontrabida ang former 'Bubble Gang' star sa afternoon series na 'Unica Hija,' kung saan pinortray ang role na si Carnation.
Malaking hamon ang ibinigay ng GMA-7 kay Faith nang napili siya gumanap bilang isa sa mga bagong sang'gre sa superserye na 'Encantadia Chronicles: Sang'gre.'
Gaganap ang aktres bilang si Flamarra, ang tagapangalaga ng Brilyante ng Apoy.