Na-link man o nakatrabaho, kilalanin kung sino-sino ang mga lalaki na naging bahagi ng buhay ni 'Sexy Hipon' Herlene Budol.
Nag-trending ang unang beses na pagkikita ni Sexy Hipon at ng gwapong US Navy na si Patrick Bolton.
WATCH: "Sexy Hipon" Herlene Budol, tinamaan sa gwapong US Navy
Pagkatapos ng ilang buwan mula noong una nilang pagkikita, bumalik sa 'Wowowin' si Patrick parang sorpresahin at regaluhan si Herlene ng flowers at chocolates.
"Sexy Hipon" Herlene Budol, nakatanggap ng flowers at chocolates mula sa isang U.S. Navy
Bumisita rin sa 'Wowowin' ang isa sa mga bida ng 'Beautiful Justice' na si Derrick Monasterio.
Sa pagpunta ni Derrick, hindi naitago ni Herlene ang kanyang kilig at tinanong ang Kapuso hunk kung sino ba ito.
WATCH: "Sexy Hipon" Herlene Budol, kilig na kilig kay Derrick Monasterio
Nakasama naman ni Herlene sa kanyang guesting sa 'Daddy's Gurl' ang Kapuso actor na si Kevin Santos.
Pagkatapos ng kanilang pagsasama, tinanong ni Kevin ang mga tao kung bakit 'Sexy Hipon' ang bansag kay Herlene kahit na maganda naman ito.
Nag-guest din ang model-actor na si Nico Locco sa 'Wowowin' para i-promote ang kanilang MMFF movie na 'Culion.'
Sa panayam ni Herlene kay Nico, sinabi ni Herlene na nakilala niya ang aktor nang mag-trend ito sa social media dahil sa ginawa niyang panloloko sa kanyang dating girlfriend na si Arianne Bautista.
WATCH: Nico Fowler, inamin ang panloloko kay Arianne Bautista matapos ibuking ni "Sexy Hipon" Herlene Budol
Naging katambal ni Herlene sa kanyang acting debut sa '#MPK' ang aktor na si Michael Agassi.
Sa katunayan, marami ang kinilig sa kanilang tambalan kaya nanalo ang kanilang episode kontra sa katapat nitong programa.
'#MPK' episode ni "Sexy Hipon" Herlene Budol, wagi sa ratings
Malaking parte rin sa buhay ni Herlene ang host ng 'Wowowin' na si Willie Revillame.
Dahil sa kanyang kuwelang mga banat, kinuha ni Kuya Wil si Herlene bilang isa sa kanyang mga co-hosts.
WATCH: Herlene "Sexy Hipon" Budol, emosyonal sa pagiging co-host ni Willie Revillame