IN PHOTOS: Mga makakatrabaho ni Pokwang sa Kapuso Network

Pormal nang inanunsyo ng GMA Artist Center ngayong Biyernes, June 18, na Kapuso na ang aktres at TV host na si Pokwang.
Noong June 2, unang naging usap-usapan ang posibilidad na magiging Kapuso si Pokwang, matapos siyang mag-post ng photo sa Instagram kung saan kitang nasa isang dressing room siya at tanaw ang GMA Network Center main building.
May caption itong: “Good morning.️ Minsan di ko alam talaga kung deserve ko nga talaga lahat ng biyaya at mga dasal na sinasagot mo Lord God pero sa pagkakaalam ko nararapat lang na ikay pasalamat sa lahat ng ganap sa aking buhay maganda man o hindi dahil alam ko lahat ng ito ay pagmamahal mo ang dahilan kaya naririto ako at nakaka survive. I love you at salamat po. #Backtowork”
Nag-comment dito ang 'Love of My Life' star at soon-to-married na si Carla Abellana.
Ani Carla, “Wowowowow! Welcome! ”
Bukod pa roon, nag-share din ng photo ang 'Prima Donnas' star na si Katrina Halili noong June 8 kung saan kasama niya si Pokwang.
Pareho silang naka-finger heart pose at may caption itong: “Nice to meet you Ms @itspokwang27 ️”
Ngayong araw nga ay opisyal nang magiging Kapuso si Pokwang.
Excited na ang lahat na mapanood ang award-winning na komedyana sa Kapuso Network.
Kaya alamin sa gallery na ito kung saang mga GMA programs mo dapat abangan ang ating bagong Kapuso na si Pokwang.









