IN PHOTOS: Mga mangingisdang beki sa '#MPK'

Tampok ang kuwento ng mga 'di karaniwang mangingisda sa real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Sa episode na pinamagatang "Fishergays: Mga Tigasing Sirena sa Laot," hinamon ng isang grupo ng magkakaibigan at miyembro ng LGBTQIA+ community ang paniniwalang mga astig na lalaki lang ang maaaring magtrabaho bilang mangisda.
Nakaranas man ng diskriminasyon sina Michael, Walen, Rolly, at Yuri mula sa ibang mangingisda, ipinagpatuloy pa rin nila ang pagtatrabaho dahil may kanya-kanya silang mga pangarap.
Maabot kaya ng magkakaibigan ang mga nais nila sa buhay?
Alamin sa episode na pinamagatang "Fishergays: Mga Tigasing Sirena sa Laot," ngayong Sabado, November 7, 8:15 pm sa '#MPK.'









