IN PHOTOS: Misis, aalagaan ang mister na manloloko sa '#MPK'

GMA Logo The Power of Love on MPK

Photo Inside Page


Photos

The Power of Love on MPK



Isang kuwento ng sakripisyo at pag-ibig ang matutunghayan sa bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Pinamagatang "The Power of Love: The Miguel and Baby Duhaylungsod Story," matutunghayan dito ang kuwento ng mag-asawang Baby at Miguel.

Sa kabila ng pagiging mabuting asawa ni Baby kay Miguel, hindi pa rin nagawa ng lalaki na maging tapat sa kanyang misis. Dahil sa patuloy na panloloko ni Miguel, maghihiwalay sila ni Baby.

Kalaunan, maaksidente si Miguel at mababaldado. Bukod dito, magiging isip-bata rin siya kaya mangangailangan siya ng pag-aaruga.

Magagawa bang patawarin ni Baby na alagaan ang asawang ulit-ulit siyang pinagtaksilan?

Panoorin ang kanilang kuwento sa brand new episode na "The Power of Love: The Miguel and Baby Duhaylungsod Story," February 11, 8:00 p.m. sa #MPK.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Katrina Halili
Rodjun Cruz
Children
Faye Lorenzo
Accident
Care
The Power of Love

Around GMA

Around GMA

Pila ka mga turista, ginpili igasaulog sang bag-ong tuig sa isla sang Boracay | One Western Visayas
Electrical issues are top cause of New Year's Eve fires – BFP
Heart Evangelista teases new project on social media