IN PHOTOS: Misis, magugulantang sa lihim ni mister sa '#MPK'

Kakaibang kuwento ng mag-asawa ang tampok sa bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Sa episode na pinamagatang "My Husband's Secret," pakakasalan ni Ester si Peter--lalaking pinili ng kanyang ina para sa kanya.
Kalaunan, matututunan ni Ester na mahalin si Peter pero sadyang hindi ito masuklian ng lalaki.
Unti-unting maghihinala si Ester tungkol sa relasyon ni Peter sa kaibigang si Jude.
Paano tatanggapin ni Ester ang lihim ng asawang si Peter?
Abangan ang kanilang kuwento sa brand new episode na "My Husband's Secret," August 20, 8:15 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






