IN PHOTOS: Misis, naloko ng kakambal ng kanyang mister sa '#MPK'

GMA Logo Kakambal Kong Ahas on #MPK

Photo Inside Page


Photos

Kakambal Kong Ahas on #MPK




Magtatambal ang Kapuso stars na sina Dennis Trillo at Rhian Ramos sa real life drama anthology na '#MPK' o 'Magpakailanman.'

Bibigyang-buhay niya ang kuwento ng isang mag-asawa na masusubukan ang pagsasama dahil sa panglilinlang.

Si Dennis ang kambal na sina Michael at Lucas, habang si Rhian naman ang asawa ni Michael na si Melissa.

Pansamantalang makikituloy si Lucas sa bahay nina Michael at Melissa.

Pero imbis na tumanaw ng utang na loob sa kabutihan ipinakita ng kapatid, magagawa pa ni Lucas na mamagitan sa mag-asawa.

Dahil identical twins sila ni Michael, malilinlang ni Lucas si Melissa at magbubunga ang kanilang engkuwentro.

Ito ba ang makakasira sa magandang pagsasama ng mag-asawa?

Huwag palampasin ang "Kakambal Kong Ahas," July 2, 8:15 p.m. sa #MPK.


Kakambal Kong Ahas
Anak
Rhian and Dennis
Kapatid
Rhian Ramos
Dennis Trillo
Twins

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 23, 2025
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust