IN PHOTOS: Nanay, napilitang ipamigay ang mga anak sa '#MPK'

GMA Logo Nasaan Ka Inay

Photo Inside Page


Photos

Nasaan Ka Inay




Kuwento ng isang inang nawalay sa kanyang mga anak ang mapapanood sa upcoming fresh at brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Mapang-abuso at manginginom ang asawa ni Lilia na si Antonio kaya kahit mahirap, hihiwalayan niya ito.

Ilalayo din niya ang kanilang mga anak mula sa asawa. Makikituloy muna sila sa bahay ng ama ni Lilia na si Tatay Pedro, bagay na 'di nila pagkakasunduan ng kapatid na si Pilar.

Kahit anong sikap ni Lilia, kulang pa rin ang pangtustos sa mga anak. Kaya naman mapipilitan siyang ipamigay sina Luisito at Lorenzo nang magkasakit ang mga ito.

Makikita pa bang muli ni Lilia ang mga anak?

Abangan 'yan sa fresh and brand new episode na "Nasaan Ka, Inay?" June 4, 8:15 p.m. sa #MPK.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Pokwang
Leandro Baldemor
Children
Archie Adamos
Gilleth Sandico
Sick
Nasaan Ka, Inay?

Around GMA

Around GMA

Mayon Volcano logs 'minor' fountain activity as eruption enters 89th day
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together