Family
IN PHOTOS: Non-showbiz celebrity siblings na may 'artista factor'

Hindi maipagkakaila na ang celebrities ay biniyayaan hindi lamang ng charming personalities kundi pati na rin ang good looks kaya naman lahat ng kanilang fans ay nahuhumaling sa kanila.
Kaya kung ang isang personalidad ay nagtataglay ng artistahin good looks, tiyak na ang kanilang mga kamag-anak, lalung-lalo na ang kanilang mga kapatid, ay mayroon ding artista factor--nasa DNA nila 'yan, ika nga.
Hindi man sila pumasok sa larangan ng pag-arte, marami rin silang mga tagahanga, salamat sa kanilang angking ganda--tulad na lamang ni Alex Lopez, ang kapatid ni Gabbi Garcia, o kaya naman ang equally cute na kapatid ni Baeby Baste na si Samsam.
Alamin kung sino ang mga kapatid ng celebrities na puwede ring isabak sa showbiz.
































