IN PHOTOS: Pasilip sa lock-in taping ng 'Ang Dalawang Ikaw'

Sa ikatlong pagkakataon, magtatambal ang minahal na Kapuso love team na sina Ken Chan at Rita Daniela sa upcoming GMA drama na 'Ang Dalawang Ikaw.'
Muling ipapamalas nina Ken at Rita ang kanilang galing sa drama lalo na at mas matured ang kanilang role sa bago nilang serye.
Gaganap si Ken bilang isang lalaking may dissociative identity disorder (DID) - isang mental illness kung saan nagkakaroon ng multiple personalities ang pasyente. Kaya magkakaroon ng dalawang karakter si Ken--bilang si Nelson at si Tyler.
BIbigyang-buhay naman ni Rita si Mia, ang asawa ni Nelson. Magkakaroon si Mia ng kaagaw sa mister dahil sa alter personality nito.
Ipinakilala naman si Anna Vicente bilang si Beatrice, ang fiancée ni Tyler.
Sa kabila ng banta ng COVID-19, patuloy pa rin ang pagbibigay nila ng entertainment sa mga manonood.
Nag-quarantine muna nang ilang araw ang cast, staff, at crew matapos magpa-swab test bago pumunta sa lokasyon ng kanilang lock-in taping sa Tagaytay at Bataan. Habang nasa lock-in taping ng 'Ang Dalawang Ikaw' ay mahigpit na ipinatutupad ang health and safety protocols para sa lahat.
Narito ang ilang behind-the-scenes photos ng kanilang closed group shoot:




























