Sa murang edad, marami nang narating na lugar si little biyahera Zia Dantes!
Espesyal ang El Nido, Palawan para kina Marian Rivera at Dingdong Dantes kaya sinigurado nilang ipasyal ang anak dito.
Nakarating na rin ng exclusive resort island na Balesin si Zia.
Sa Portugal, binisita niya ang Santuario de Fatima na binubuo ng iba't ibang mga chapel at basilica.
Bumisita rin si Zia sa Spain para bisitahin ang kanyang lolo na si Francisco.
Isa rin ang Monaco sa mga stops sa nakaraang Europe trip ng pamilya Dantes.
Sa pagbisita ni Zia sa France, pumasyal siya sa mga lugar tulad ng Strasbourg at Saint-Paul-de-Vence.
Pero hindi ito ang first time ni Zia sa France dahil una niya itong napuntahan noong 2017.
Nag-enjoy din si Zia sa the Netherlands.
Kasama niya sa Siargao ang angkan ng mga Dantes at Rivera.
Kumusta kaya ang mother-daughter bonding moments nila ni mommy Yan sa Lipa, Batangas?
Ang cute ng kanyang OOTD sa Italy!
Magkasama nilang ginawa ni Marian ang kanilang "Ay, may daga!" pose sa Lake Tahoe, California.
Na-enjoy din ni Zia ang ganda ng Santorini, Greece kasama ang kanyang mga magulang.
Parang anime ang bihis niya nang bumisita sa Japan!
Kahit baby pa, ipinakita na Zia ang hilig niya sa pagsu-swimming sa Bali, Indonesia.
Nakakita na rin si Zia ng Kangaroo sa pagpunta nilang pamilya sa Australia.
Bagay ang sun-kissed skin ni Zia sa ginintuang buhangin sa Dubai.