IN PHOTOS: Rebeldeng anak, haharapin ang pagsubok bilang isang ina sa '#MPK'

GMA Logo Rebeldeng Anak, Ulirang Ina on #MPK

Photo Inside Page


Photos

Rebeldeng Anak, Ulirang Ina on #MPK



Nagpapatuloy ang kuwento ng aspiring singer na si Elaine Carriedo-Lozano sa upcoming fresh at brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.


Sa part 2 ng episode na pinamagatang "Rebeldeng Anak, Ulirang Ina" hindi pa rin sumuko ang ina ni Elaine na si Cynthia na ituwid ang pagkakamali ng anak.

Magiging ina na rin si Elaine at habang lulong sa droga, susubukan pa niyang ipalaglag ang batang dinadala niya.

Dahil dito, lalaking may sama ang loob ang anak niyang si Miguel sa kanya.

Gayunpaman, makakahanap ng bagong pag-ibig si Elaine sa katauhan ni Marlon. Magkakaroon din sila ng sarili nilang mga anak na sina Matt at Denise.

Panibagong pagsubok kay Elaine nang ma-diagnose ng cerebral palsy si Denise.

Si Yasmien Kurdi ang gaganap bilang Elaine, habang si Gilleth Sandico ang ina niyang si Cynthia.

Sa Pancho Magno naman ay si Marlon. Kabilang din sa episode si Jerrick Dolormente bilang Miguel, Allen Ansay bilang Matt at Vanessa Pena bilang Denise.

Huwag palampasin ang pangalawang bahagi ng brand new episode na pinamagatang "Rebeldeng Anak, Ulirang Ina: The Elaine Carriedo-Lozano Story," ngayong Sabado, October 16, 8:15 pm sa '#MPK.'


Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:


Elaine
Cynthia
Pancho Magno
Jerrick Dolormente
Allen Ansay
Vanessa Pena
Part 2

Around GMA

Around GMA

Farm To Table: April 5, 2026 LIVESTREAM
On Easter, Pope Leo urges world leaders to end wars, renounce conquest
Creating with the boundless soul of an artist