IN PHOTOS: Same-sex celebrity pairings na nagpakilig sa atin

Ilang celebrities na rin ang nagpakita ng kanilang versatility pagdating sa aktingan nang gampanan nila ang ilang karakter na parte ng LGBTQIA+ community.
Una-unang sa listahan ang groundbreaking GMA drama na My Husband's Lover na pinagbidahan nina Tom Rodriguez, Carla Abellana, at Dennis Trillo, at ang The Richman's Daughter nina Rhian Ramos at Glaiza de Castro.
May ilang independent films rin ang nagbigay buhay sa ilang LGBTQIA+ characters tulad ng 2 Cool 2 be 4Gotten, at Baka Bukas.
Noong 2020, nauso ang ilang boys' love (BL) web series tulad ng Gameboys, Ben X Jim, Gaya sa Pelikula, at Quarantines na nagbigay kilig sa mga manonood.
Balikan ang ilang same-sex celebrity pairing na talagang nagpasaya at nagbigay kilig sa ating lahat.

























