IN PHOTOS: Scenes from 'My Fantastic Pag-ibig: Beast Next Door'

Ngayong August 7, magsisimula na ang pinakabagong exciting na kuwento sa 'My Fantastic Pag-ibig.'
Mapapanood ngayong Sabado ang tambalang Sophie Albert at Gil Cuerva sa kuwentong 'My Fantastic Pag-ibig: Beast Next Door'. Sila ay gaganap bilang sina Ashley at Wanggo.
Si Ashley ay kilala bilang isang strong, independent, at suspicious woman. Sa kuwentong ito, ipakikita na halos lahat ng bagay ay pinaghihinalaan ni Ashley. Pati ang bagong tenant ng kanilang boarding house na si Wanggo, paghihinalaan din ng dalaga.
Totoo kaya ang scary assumption ni Ashley na isang aswang si Wanggo?
Abangan ito sa 'My Fantastic Pag-ibig: Beast Next Door' ngayong August 7, 7:05 PM sa GTV!







