Silipin ang ilan sa mga eksenang kuha mula sa MMFF 2019 Parade of Stars sa Taguig, dito.
All smiles sina Bossing Vic Sotto, Maine Mendoza, Pokwang, at Jake Cuenca sa float ng kanilang MMFF 2019 entry na 'Mission Unstapabol: The Don Identity.'
Mala-underwater ang tema ng kanilang float.
Naka-full drag si Coco Martin sa Parade of Stars kasama ang kanyang co-stars na sina Jennylyn Mercado at Aiai Delas Alas para sa pelikulang '3Pol Trobol Huli Ka Balbon.'
Pink na pink at sweet na sweet ang float ng '3Pol Trobol Huli Ka Balbon' team.
Nakasakay naman sa isang malaking nipa hut float sina Jasmine Curtis, Iza Calzado, at Meryll Soriano para sa kanilang entry na 'Culion.'
Dressed in all-black sina Carmina Villarroel at Mylene Dizon sa kanilang horror movie na 'Sunod.'
Sa float pa lang ay mukhang nakakikilabot na ang pelikulang 'Sunod.'
Hugis love letter naman ang float ng 'Write About Love,' na pagbibidahan nina Rocco Nacino at Miles Ocampo.
Kinawayan ni Judy Ann Santos ang kanyang fans sa Parade Of Stars. Siya ay parte ng entry na 'Mindanao,' kung saan nagwagi siya ng Best Actress award sa nakaraang Cairo International Film Festival.
Makulay at engrande ang float ng team 'Mindanao.'
Kitang-kita ang closeness ng 'Miracle In Cell No. 7' actors, na pinangungunahan ni Aga Muhlach.
Selda na may laruang pambata ang tema ng float ng 'Miracle In Cell No. 7,' na hango sa hit Korean movie na may parehong titulo.
Masayang-masaya ang stars na tampok sa 'The Mall, The Merrier.'
Hugis gift box ang float ng 'The Mall, The Merrier.'