IN PHOTOS: Sexual abuse survivor, magiging battered wife sa '#MPK'

Nagpapatuloy ang inspiring na kuwento ng teacher, author at Christian minister na si Pia Hugo sa bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Pinamagatang "A Mother's Triumph," ito ang pangalawang kuwento sa two-part special tungkol sa kanyang buhay.
Matapos ang paulit ulit na pang-aabusong naranasan niya simula noong kanyang kabataan, nagpunta si Pia sa Amerika para magsimula ng bagong buhay.
Dito niya makikilala si Santi, isang lalaking tila perpekto dahil napakabait nito at matagumpay pa sa kanyang career.
Pero nang maging mag-asawa na sina Pia at Santi, tila nagbago ang lalaki. Madalas makaranas ni Pia ng verbal, physical, emotional, at psychological abuse mula kay Santi.
Nasasaksihan pa ng kanilang anak na si Philip ang pananakit ng ama sa ina.
Paano matatakasan ni Pia ang abusive marriage na ito?
Abangan ang pangalawang bahagi ng kuwento ni Pia Hugo sa brand new episode na pinamagatang "A Mother's Triumph," September 10, 8:15 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






