IN PHOTOS: Karumaldumal na krimen laban sa ama sa '#MPK'

Isang natatanging pagganap na naman ang masasaksihan mula kay Kapuso Drama King Dennis Trillo sa upcoming episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Tampok siya sa episode na pinamagatang "Patawad, Ama Ko" kung saan isang lalaki ang makakagawa ng karumaldumal na krimen laban sa sarili niyang ama.
Gaganap siya dito bilang si Samuel, isang lalaking simula pagkabata ay nakakaranas na ng pang-aabuso mula sa kanyang amang si Julian, na gaganapan ni Allan Paule.
Magagawa pa siyang iwan ng kanyang asawang si Ella, na gaganapan ni Ana de Leon.
Buti na lang, nakahanap siya ng kakampi sa nakababatang kapatid na si Charlie, na gaganapan naman ni Bruce Roeland.
Gayunpaman, magagawa pa rin niyang patayin, katayin, at maging kainin ang amang si Julian.
Ano ang magtutulak kay Samuel para gawin ito? Ano ang kahihinatnan niya matapos ang krimeng ginawa?
Abangan sa "Patawad, Ama Ko" ngayong Sabado, September 26, 8:00 pm sa '#MPK.'







