N PHOTOS: OFW sa Hong Kong, nakapulot ng limpak-limpak na salapi sa '#MPK'

Makikipagsapalaran sa Hong Kong si Mildred (Janice de Belen) para mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya.
Papasok siya bilang dometic helper doon at maayos na makakapagpadala ng pera sa Nueva Vizcaya.
Pero magbabago ito nang makaranas siya ng sexual harassment mula sa kanyang amo.
Kakasuhan niya ito kaya matatanggal si Mildred sa kanyang trabaho.
Dahil na rin sa hiya at awa sa sarili, itatago niya mula sa kanyang pamilya ang pagkawala ng kanyang trabaho.
Sa halip, magiging isang basurera si Mildred para makapanatili sa Hong Kong.
Isang araw, makakapulot siya ng isang sobre na naglalaman ng malaking halaga ng pera at ilang pang mga tseke.
Ano kaya ang gagawin niya dito?
Alamin ang kuwento ni Mildred Perez, ang OFW na nakapulot ng malaking halaga ng pera sa Hong Kong, ngayong Sabado, July 25, 8:00 pm sa '#MPK.'







