Honor student, biktima ng sanib sa '#MPK'

GMA Logo jillian ward

Photo Inside Page


Photos

jillian ward



Isang nakakakilabot na episode ang hatid ng real life drama anthology na '#MPK' o 'Magpakailanman' ngayong Sabado.

Isang dalagita ang paulit ulit na sinasaniban ng isang misteryosong espiritu sa "Ang Batang Biktima ng Sanib."

Consistent honor student at mapagmahal na anak si Julia kaya mataas ang pangarap ng mga magulang niyang sina Randy at Myrna para sa kanya.

Pero isang araw, uuwi si Julia na tila takot na takot at gustong lumipat ng paaralan. Marami pa silang pagbabagong mapapansin sa anak tulad ng pagiging tahimik at mainitin ang ulo.

Nang payuhan sina Randy at Myrna na ipatingin sa psychiatrist si Julia, tututol dito si Myrna dahil batid din niyang sinasaniban ng masasamang espiritu ang anak.

Paano nila maililigtas si Julia?

Abangan 'yan sa "Ang Batang Biktima ng Sanib," October 28, 8:00 p.m. sa '#MPK.'

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng '#MPK.'

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Jillian Ward
Mickey Ferriols
Epy Quizon
Pamilya
Matalino
Sanib
Pagsagip

Around GMA

Around GMA

NBA: Jalen Brunson's winner propels Knicks past Pacers
Joint probe underway in death of ex-DPWH Usec. Cabral
Heart Evangelista advocates for pet adoption on her social media