IN PHOTOS: Ina laban sa anak para sa isang lalaki sa '#MPK'

Masusubukan ang relasyon ng mag-inang Salve at Lucila dahil pareho silang iibig sa iisang lalaki.
Bata pa lang si Lucila nang makilala ng kanyang inang si Salve si Manuel.
Sa pagdadalaga niya, mag-iiba ang tingin ni Lucila kay Manuel. Kalaunan, papasok ang dalawa sa isang patagong relasyon.
Paano kung malaman ni Salve ang tungkol dito?
Sa isang natatanging pagganap, bibigyang-buhay ni Amy Austria si Salve. Si Pauline Mendoza naman ang gaganap bilang kanyang anak na si Lucila.
Si Neil Ryan Sese naman si Manuel.
Samantala, si Neal Del Rosario ang nagsilbing direktor ng episode, base sa pananaliksik nina Cynthia Delos Santos at Georis Tuca.
Huwag palampasin ang kakaibang kuwento ng mag-inang nag-agawan sa iisang lalaki sa "Ako o Anak Ko?" ngayong Sabado, August 8, sa '#MPK.'






