IN PHOTOS: Stunts of Derek Ramsay and Ellen Adarna that made us go wow

GMA Logo ellen adarna and derek ramsay

Photo Inside Page


Photos

ellen adarna and derek ramsay



Nagdiwang sina Derek Ramsay at Ellen Adarna ng kanilang first anniversary bilang couple noong February 4.

Sa Pangasinan nag-celebrate ang mag-asawa ng kanilang espesyal na araw kasama ang anak ni Ellen na si Elias Modesto, at iba pa nilang kamag-anak at malalapit na kaibigan. Anak ni Ellen si Elias sa aktor na si John Lloyd Cruz.

Sa Instagram, ipinost nina Derek at Ellen ang mga larawan mula sa anniversary celebration nila sa isang beach house.

Bukod sa kanilang sweet photos, kapansin-pansin ang kanilang risky shot kung saan binuhat ni Derek ang misis habang nakadiretso ang kanyang mga kamay at braso pahalang. Sitting pretty naman si Ellen habang nakapalupot ang kanyang katawan sa braso at balikat ni Derek.

Viral ito sa social media at marami na ang gumaya. Tinawag pa ito ng netizens na "Derek-Ellen karga challenge."

Hindi ito ang unang beses na nag-viral ang stunts nina Derek at Ellen online.

Matatandaang pinag-usapan din sa social media ang kissing photo nila kung saan nakabaluktot ang mga binti ni Ellen. Ayon sa sexy actress, ang kanyang pagiging flexible ay produkto ng kanyang pag-aaral ng ballet at gymnastic nang ilang taon. Yoga enthusiast din si Ellen.

Marami ang na-amaze at marami ring nawindang sa kanilang stunts. Patunay lang na isa lamang sina Derek-Ellen sa mga hottest influencer couple ngayon.

Narito ang iba pa nilang nakakabilib na stunts caught on camera na ginaya ng marami:


Anniversary
Behind-the-scenes
 Yogab
Kiss
Reaction
Effortless
Intense
Advanced yoga
Fitspiration
Elias
African adventure
New stunt
Family
New stunt in Palawan
The result
The effort

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU