IN PHOTOS: Teenager, maagang magiging ina sa '#MPK'

Bibigyang-buhay ni young Kapuso actress Elijah Alejo ang kuwento ng isang batang ina sa upcoming fresh at brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Pinamagatang "Teenage Mama: The Abbygail Fernandez Story," gaganap si Elijah dito bilang Abby, isang teenager na maagang magbubuntis.
Hindi naman pananagutan ng kanyang boyfriend ang batang dinadala niya.
Paano maaalagaan ni Abby ang magiging anak niya kung siya mismo ay kulang sa aruga?
Abangan 'yan sa fresh and brand new episode na "Teenage Mama: The Abbygail Fernandez Story," May 14, 8:15 p.m. sa '#MPK.'
Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:






