IN PHOTOS: Mag-asawang lotto winners, uutuin ng mga kamag-anak sa '#MPK'

GMA Logo Lotto Winner Naging Loser

Photo Inside Page


Photos

Lotto Winner Naging Loser



Pagbabagong dala ng biglang pagkakaroon ng malaking halaga ng pera ang pokus ng episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong Sabado.


Pinamagatang "Lotto Winner Naging Loser," kuwento ito ng mag-asawang tatama sa lotto at lolokohin ng mga kamag-anak na pinagkatiwalaan nila.

Matagal nang tumataya sa lotto si Erwin sa pag-asang mabago ang kanyang buhay. Matutupad ang kanyang hiling isang araw nang tumama siya ng jackpot!

Nais niyang itago ito mula kay Nanay Mimang dahil sa palagay niya, hinuhusgahan siya nito sa kabila ng pagtulong ng matanda.

Lalapit naman ang kanyang mga pinsan na sina Manuel at Angel na mangangakong itatabi at palalaguin ang kanyang lotto winnings sa pamamagitan ng iba't ibang negosyo.

Ihahatid nina Manuel at Angel ang malaking halaga ng pera sa mag-asawa kaya huli na nang mapagtanto nina Erwin at Vergie na kulang ito at itinakbo na ng dalawa ang mas malaking bahagi ng kanilang premyo!

Mababawi pa ba nila ang kanilang pera?

Si Tekla ang gaganap bilang Erwin habang si Vaness del Moral naman si Vergie.

Si Dexter Doria ay si Nanay Mimang. Tampok din sa episode si Ian de Leon bilang Manuel at Tonio Quiazon bilang Angel.

Abangan ang kanilang kuwento sa episode na pinamagatang "Lotto Winner Naging Loser," ngayong Sabado, August 28, 7:15 pm sa #MPK.


Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:


Tekla
Lotto
Vaness del Moral
Winner
Pangarap
Jackpot
Lotto Winner Naging Loser

Around GMA

Around GMA

NCAA: Arellano braves through 2OT vs. Mapua to clinch Juniors basketball finals ticket
'Wilma' weakens into LPA near Cataingan, Masbate
XG's Cocona undergoes top surgery, comes out as AFAB transmasculine non-binary