IN PHOTOS: The cast of 'One True Love'

Tunay na pag-ibig na pilit sinusupil ang hatid ng seryeng 'One True Love.'
Unang umere noong 2012, pinagbidahan ito ni Asia's Multimedia Star Alden Richards.
Kapareha niya dito ang aktres na si Louise delos Reyes na minsan na niyang nakatrabaho sa mga palabas tulad ng 'Alakdana,' 'Tween Hearts' at 'My Beloved.'
Kasama din nila ang mga beterano at award-winning na mga artista tulad nina Jean Garcia, Raymond Bagatsing, Agot Isidro at Bembol Roco.
Si Andoy Ranay naman ang nagsilbing direktor ng serye.
Bigatin din ang official theme song nitong "Pangarap Ko ang Ibigin Ka" na inawit ng La Diva na orihinal na kumpusisyong ni singer-songwriter Ogie Alcasid.
Tunghayan muli ang 'One True Love' Lunes hanggang Biyernes simula August 10, 4:15 pm sa GMA Afternoon Prime.
Bago ito, kilalanin ang iba pang mga karakter na makakasama n'yo tuwing hapon sa gallery na ito.







