IN PHOTOS: The many leading ladies of Rocco Nacino

Sa hilera ng mga Kapuso artist ngayon, isa si Rocco Nacino sa maituturing na pinakamahusay na aktor ng kaniyang henerasyon.
Nagsimula ang showbiz career ni Rocco nang sumali siya sa reality-based artista search na 'StarStruck' kung saan tinanghal siya bilang Second Prince. Pagkatapos nito ay nabigyan na siya ng ilang supporting roles at guest TV appearances sa ilang shows ng GMA gaya ng 2010 drama series na 'Gumapang Ka Sa Lusak' at Sunday variety shows na 'SOP' at 'Party Pilipinas.'
Simula nito, nagtuloy-tuloy na ang takbo ng karera ni Rocco at nagkaroon na siya ng kabi-kabilang proyekto sa telebisyon at pelikula.
Matapos ang matagumpay na Philippine Adaptation ng Korean series na 'Descendants of The Sun,' mapapanood naman ngayon si Rocco sa bagong GMA drama series na 'To Have And To Hold' kung saan kasama niya sina Carla Abellana at Max Collins.
Sa kaniyang makulay na showbiz career, silipin ang mga naging leading ladies ni Rocco Nacino sa gallery na ito.














