IN PHOTOS: The quarantined life of Chef Boy Logro in Davao de Oro

Kasalukuyang nasa Davao de Oro ngayon ang 'Idol sa Kusina' na si Chef Boy Logro.
Doon pinili ng celebrity chef na manatili habang may community quarantine kasama ang kanyang pamilya. Ngayong suspended pa ang taping para sa kanyang programa na 'Idol sa Kusina,' ibinuhos ni Chef Boy ang kanyang oras para sa ipinapatayong agritourism farm sa Davao de Oro. Kuwento niya sa GMANetwork.com, ang farm na ipinapagawa ay isa sa kanyang pangarap. Tinawag niya rin itong retirement plan.
Hindi pa man tapos ang pagsasaayos ng kanyang farm, ipinakita na ng celebrity chef ang bunga ng kanyang pagsisikap. Nagbigay rin siya ng update sa kanyang mga tanim, kitchen studio, pati na rin sa kanyang pamilya. Silipin ang buhay ni Chef Boy sa Davao de Oro sa gallery na ito.












