IN PHOTOS: Trending celebrity kids in 2020

GMA Logo Trending celebrity kids in 2020

Photo Inside Page


Photos

Trending celebrity kids in 2020



Ngayong 2020, ilang celebrity kids ang nagpangiti at naghatid sa atin ng good vibes online.

Sa taong ito, ibinida ng celebrity parents ang kanilang mga anak at nag-trend sa social media. Sa kanilang posts ay nasaksihan ng publiko ang pagkabibo ng kanilang mga anak. Proud na proud na ipinakita ng celebrity parents ang mga cute na cute na outfits, talento, at mga kuwento ng kanilang mga anak sa kanilang social media accounts.

Dahil sa quarantine, mas nakita ng mga netizen ang bonding moments ng celebrity parents sa kanilang mga anak. Karamihan sa kanila ay mga first-time parents na proud na ibinabahagi ang ilang milestones ng kanilang babies. Kabilang dito sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico, Erwan Heussaff at Anne Curtis, Rodjun Cruz at Dianne Medina, Max Collins at Pancho Magno, at iba pang proud new parents.

Mayroon ding celebrity kids na bumida dahil sa mga cute na cute nilang videos at photos online. Ilan sa mga kinagiliwan ng mga netizen sa taong 2020 ay si Scarlet Snow Belo at ang kanyang Wonder Woman costume; si Tali at ang kanyang super cute at bibo videos; at photos and videos ng mga anak nina Iya Villania at Drew Arellano na sina Primo, Leon, at Alana.

Nasaksihan rin ng netizens ang iba't ibang bonding moments ng ilang celebrities kasama ang kanilang mga cute na anak. Nakita sa social media kung paano nagba-bonding sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa kanilang mga anak na sina Zia at Ziggy. Napanood rin sa vlogs ang cute moments nina Andi Eigenmann at mga anak na sina Ellie at Lilo.

Bukod sa kanila, ilan pang mga cute celebrity kids ang naghatid ng ngiti sa atin ngayong quarantine sa social media. Kilalanin ang mga celebrity kids na naging trending ngayong 2020 sa gallery na ito.


Tali
Baby Thylane
Ellie and Lilo
Baby Dahlia Amélie
Summer
Baby Fiore
Zia and Ziggy
Scarlet Snow Belo
Baby Alana
Primo and Leon
Martina
Zandrine Anne
Skye Anakin
Night
Joaquin
Pancho and Vito
Baltie

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Bagyong Wilma as of 11 AM (Dec. 6, 2025) | GMA Integrated News
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU