IN PHOTOS: Valentine's Day ng mga sikat

Espesyal na okasyon ang Araw ng mga Puso at patunay rito ang ilang celebrities na hindi pinalagpas ang araw na ito upang ipagsigawan ang kanilang pag-ibig para sa kanilang minamahal.
Ang Valentine's Day ay isang selebrasyon ng pagmamahalan sa pamamagitan ng iba't ibang paraan, anuman ang iyong katayuan.
Sa mundo ng showbiz, marami ang nag-aabang kung paano nga ba ito ise-celebrate ng mga artista.
May ilang dinadaan sa simpleng pagdiriwang ang Araw ng mga Puso. Ang ilan naman ay mas gusto itong i-celebrate hindi lamang kasama ang kanilang partner ngunit pati ang kanilang pamilya. Samantala, may iba ring todo effort sa pagreregalo at sorpresa.
Alin mga paraan kaya ang pinili ng inyong paboritong showbiz personalities sa pagdiriwang ngayon nga Araw ng mga Puso? Ano rin kaya ang kanilang pakulo ngayong new normal?
Alamin 'yan sa gallery na ito!




















