IN PHOTOS: Vic and Tali Sotto's unforgettable father-daughter moments

Walang dudang maituturing na isang icon ang veteran actor at "Eat Bulaga" pioneer na si 'Bossing' Vic Sotto sa haba ng panahon sa telebisyon at pelikula, maging sa pagpapatawa. Pero higit siyang minahal ng kanyang mga tagahanga dahil sa pagiging isang mabuting tao niya at ama sa kanyang mga anak.
Tulad ng ibang ama, kilala rin si Vic sa pagiging malambing lalo na sa bunsong anak niyang si Talitha Maria "Tali" Sotto.
Kinumpirma ito ng kanyang asawang si Pauleen Luna-Sotto nang mag-guest ang dalawa sa 'Tunay na Buhay', kung saan ibinahagi ni Pauleen kung paano ini-spoil ni Vic ang three-year-old na anak. Tulad na lamang nang pagbigyan ni Vic ang gusto ni Tali na bilhan ito ng laruan, na agad naman niyang pinabili ng limang laruan kay Pauleen. Gayundin, ang pagsuporta ni Vic kung nanaisin man ni Tali na pumasok sa show business paglaki nito.
Makikita rin sa ibinabahaging photos ni Pauleen sa Instagram ang father-and-daughter moments nina Vic at Tali na talaga namang mamahalin at kagigiliwan, tingnan ang ilan sa mga ito:



















