IN PHOTOS: YouTube celebrity couples na nagkaproblema sa relasyon

Sunud-sunod ang mga balita at kontrobersiya na lumalabas tungkol sa relasyon ng mga kilalang Youtube celebrity couple.
Ilan sa mga ito ay kasalukuyang sinusubok ang relasyon, ang iba naman ay nauwi na sa hiwalayan, at mayroon namang nagdesisyon na magkabalikan.
Ang celebrity couples na ito ay sina Jelai Andres at King Badger, Toni Fowler at Rob Moya, Zeinab Harake at Skusta Clee, at sina Camille Trinidad at Jayzam Manabat.
Sila ay ilan sa mga YouTube couples na naging matunog ang naging relasyon sa social media dahil sa mga ibinahagi nilang mga detalye sa estado ng kanilang relasyon.
Alamin ang kuwento ng mga couples at ex-couples na Youtube stars sa gallery na ito:









