IN PHOTOS: Celebrities na, basketball player pa

Katulad ng maraming mga Pilipino, mahilig din ang mga artista sa paglalaro ng basketball. Tuwing hindi sila busy sa pagtatrabaho at kani-kanilang buhay, siguradong sa loob ng basketball court makikita ang mga artistang ito.
Kung ang pag-uusapan ay ang mga artista na naglalaro ng basketball, nangunguna na riyan ang Kapuso Chinito Heartthrob na si David Licauco na madalas magbahagi ng kanyang mga litrato habang naglalaro sa Instagram.
Nasa listahan rin ang Kapuso actor na si Paul Salas na minsan ay nakakalaro pa ang ama niyang si Jim Salas at mga kaibigan nito sa loob ng court.
Bukod sa kanilang dalawa, kilalanin pa ang ilang celebrities na, basketball player pa sa gallery na ito.





















