Ina, paulit-ulit na sinaktan, niloko, at iniwan sa 'Magpakailanman'

Paulit-ulit na pananakit at panloloko ang mararanasan ng isang ina sa bagong episode ng Magpakailanman.
Sa episode na pinamagatang "Abandonadang Ina," matutunghayan ang kuwento ng single mom na si Ericka.
Nagkaroon ng relasyon si Ericka sa isang pulitiko pero inabandona siya nito matapos mabuntis.
Mag-isang itinaguyod ni Ericka ang anak niya habang inaalagaan ang ina niyang maysakit.
Iibig muli si Ericka kay Marlo, pero may asawa ito. Nang magdalangtao si Ericka, pipilitin siya ni Marlo na ipalaglag ang bata.
Magkakaroon pa ba ng masaya at buong pamilya si Ericka?
Abangan ang brand-new episode na "Abandonadang Ina," November 16, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






