Ina, pinagmamalupitan ng asawang lulong sa droga sa 'Magpakailanman'

Masusubukan ang tibay ng isang ina sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Sa episode na pinamagatang "Takas ng Mag-ina," mapapanood ang kuwento ng housewife na si Anna.
Maayos ang pagsasama nila ng masipag niyang asawang si Del hanggang sa matanggal ito sa trabaho.
Malululong si Del sa bawal na gamot at mag-iiba ang pagtrato niya kay Anna pati na sa mga anak nilang sina Marco at Arlene.
Para protektahan ang sarili at ang mga anak, tatakas si Anna kasama ang mga ito.
Magatagumpay kaya siya?
Abangan ang brand-new episode na "Takas ng Mag-ina," May 24, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






