Influencer, hahanapin ang tunay na ina sa 'Regal Studio Presents: Mother, Mother, Where Are You?'

GMA Logo  Mother, Mother, Where Are You?

Photo Inside Page


Photos

 Mother, Mother, Where Are You?



Kuwento ng pangungulila sa magulang ang tampok sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.

Sa episode na "Mother, Mother, Where Are You?", isang sikat na influencer ang maghahanap sa kanyang biological mom.

Sanggol pa lang si Via (Shayne Sava), pinaampon na siya ng kanyang ina kaya babalik siya ng Pilipinas para hanapin ito.

Makakatulong ni Via sa kanyang paghahanap ang streetsmart na si Kiko (Dustin Yu).

Dahil sa pangungulila, optimistic si Via na mahahanap niya ang kanyang nanay.

Duda naman si Kiko sa mga nagpapakilalang nanay ni Via dahil batid niyang interesado lang ito sa yaman ng kaibigan.

May kahihinatnan ba ang kanilang paghahanap?


Abangan ang brand new episode na "Mother, Mother, Where Are You?," November 19, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com/KapusoStream.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Shayne Sava
Dustin Yu
Mother
Search
Doubt
Truth
Mother, Mother, Where Are You?

Around GMA

Around GMA

From ₱500 to ₱1,000? TXT member Soobin’s complaint on 'overcharging' taxi sparks LTFRB probe | GMA News Feed
Healers, herbalists gather in Siquijor anew for healing festival
How the latest smartphones are embracing the beauty of the unfiltered journey