Iñigo Pascual, ligtas sa L.A. wildfire kasama ang kanyang pamilya

Marami ang apektado, kabilang na ang kilalang celebrities, sa nangyaring malaking sunog sa Los Angeles, California.
Sa ngayon, naitalang 10,000 structures na ang nasira dahil sa naturang wildfire. Marami ring Hollywood celebrities ang naging apektado dito.
Ang Filipino actor at songwriter na si Iñigo Pascual, ibinalita na kasama rin ang kanyang pamilya sa mga naapektuhan sa USA.
Sa kanyang Instagram story, mabilis nag-update ang aktor sa kanyang followers na ligtas sila kasama ang kanilang mga alagang hayop.
Una, humingi ng tawad si Iñigo sa mga hindi niya kaagad nabasang messages dahil abala sila mag-evacuate sa sunog.
"Thanks to everyone that checked in. Haven't been able to respond to all the messages. My family evacuated where we live last night and everyone is safe, including our furry fam members," sabi niya.
Patuloy raw nagdadasal si Iñigo at ang kanyang pamilya na sana'y matapos na ang wildfire at ligtas ang iba pang apektado rito.
"Praying and claiming for this to end soon. Sending prayers to everyone in LA, [especially] to those who lost their homes," ani Iñigo. "If you're in L.A., please stay alert. The fires just seem to pop out of nowhere..."
Kasalukuyan, patuloy nagtutulungan ang awtoridad at ilang mga mamamayan upang apulahin ang sunog sa lugar. May mga kainan ding nagbukas at naghandog ng libreng pagkain para sa mga nasalanta.
Si Iñigo Pascual ang anak ni Piolo Pascual at ex-partner na si Donna Lazaro.
Para sa kanyang pangarap bilang global singer, lumilipad sa America ang Pinoy artist para ituloy ang kanyang karera sa bansa.
Samantala, narito ang local celebrities na naranasan din masunugan:









