Tom Rodriguez and Carla Abellana's sweetest photos

GMA Logo Carla Abellana and Tom Rodriguez

Photo Inside Page


Photos

Carla Abellana and Tom Rodriguez



Unang nagkatrabaho sina Tom Rodriguez at Carla Abellana sa groundbreaking GMA drama series na 'My Husband's Lover.' Ayon kay Carla, wala pa silang nararamdaman para sa isa't isa noong mga panahong iyon .


Dagdag pa niya, hindi love at first sight ang kanilang naramdaman dahil nakailang proyekto muna sila bago sila na-in love sa isa't isa.

Ika ni Carla, "Hindi siya 'yung parang love at first sight. Hindi 'yung in love kaagad. Imagine, it took maybe at least a year pa. After more projects together; 'yun nga sa 'My Destiny'...tapos nagkaroon kami ng movie together so doon kami mas naging close."

Simula 2014 ay naging magkarelasyon na sina Tom at Carla. Sa dami ng kanilang mga pinagdaanan, marami ang kinikilig pa rin sa kanila hanggang ngayon. Kasalukuyang abala ang dalawa sa kanilang sariling showbiz careers habang gumagawa ng mga relationship vlogs. Kahit umani ng papuri mula sa netizens, may mga nakapansin na snob umano si Carla sa kanyang boyfriend dahil sa cold treatment nito na mapapanood sa kanilang mga vlog.

Pag-amin ni Carla sa isang vlog, minsan ay nakakairita na kapag laging lovey-dovey kay Tom pero, aniya, hindi ibig sabihin nito ay hindi na niya mahal ang aktor.

Paliwanag ni Carla, "Alam kong hindi magandang panoorin, hindi magandang makita kaming ganoon, and I don't do that naman on purpose. "

Paglilinaw pa niya, sadyang hindi siya showy sa kanyang nararamdaman lalo na in public.

Bahagi niya, "Siguro gano'n lang siguro ako pinalaki but it's not because we're in show business but in all of my past relationships na rin that I've been.

"Hindi naman talaga ako gaano ka-showy, 'di naman sa 'di ako comfortable o I don't do it in purpose but it's just really who I am."

Madalang man makitang sweet sina Carla at Tom sa kanilang vlogs, patunay naman na #RelationshipGoals ang celebrity couple dahil sa mga larawang ito.

Pinatunayan nina Tom at Carla ang kanilang pag-iibigan nang mag-propose si Tom, na isinapubliko nila noong March 21, 2021 kay Carla. At noong October 23, ikinasal ang Kapuso couple. Tingnan ang kanilang mga nakakakilig na memories sa mga litratong ito.


Birthday message
Family
Love
Filters
I Heart Davao
Totohanan
Supportive
Geek
Christmas
Amsterdam
London
Koala
Love Of My Life
Pandemic
Japan
Vlog
Romance
Engagement
The proposal
TomCar's road to forever

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUÂ