Unang nagkatrabaho sina Tom Rodriguez at Carla Abellana sa groundbreaking GMA drama series na 'My Husband's Lover.' Ayon kay Carla, wala pa silang nararamdaman para sa isa't isa noong mga panahong iyon .
Dagdag pa niya, hindi love at first sight ang kanilang naramdaman dahil nakailang proyekto muna sila bago sila na-in love sa isa't isa.
Ika ni Carla, "Hindi siya 'yung parang love at first sight. Hindi 'yung in love kaagad. Imagine, it took maybe at least a year pa. After more projects together; 'yun nga sa 'My Destiny'...tapos nagkaroon kami ng movie together so doon kami mas naging close."
Simula 2014 ay naging magkarelasyon na sina Tom at Carla. Sa dami ng kanilang mga pinagdaanan, marami ang kinikilig pa rin sa kanila hanggang ngayon. Kasalukuyang abala ang dalawa sa kanilang sariling showbiz careers habang gumagawa ng mga relationship vlogs. Kahit umani ng papuri mula sa netizens, may mga nakapansin na snob umano si Carla sa kanyang boyfriend dahil sa cold treatment nito na mapapanood sa kanilang mga vlog.
Pag-amin ni Carla sa isang vlog, minsan ay nakakairita na kapag laging lovey-dovey kay Tom pero, aniya, hindi ibig sabihin nito ay hindi na niya mahal ang aktor.
Paliwanag ni Carla, "Alam kong hindi magandang panoorin, hindi magandang makita kaming ganoon, and I don't do that naman on purpose. "
Paglilinaw pa niya, sadyang hindi siya showy sa kanyang nararamdaman lalo na in public.
Bahagi niya, "Siguro gano'n lang siguro ako pinalaki but it's not because we're in show business but in all of my past relationships na rin that I've been.
"Hindi naman talaga ako gaano ka-showy, 'di naman sa 'di ako comfortable o I don't do it in purpose but it's just really who I am."
Madalang man makitang sweet sina Carla at Tom sa kanilang vlogs, patunay naman na #RelationshipGoals ang celebrity couple dahil sa mga larawang ito.
Pinatunayan nina Tom at Carla ang kanilang pag-iibigan nang mag-propose si Tom, na isinapubliko nila noong March 21, 2021 kay Carla. At noong October 23, ikinasal ang Kapuso couple. Tingnan ang kanilang mga nakakakilig na memories sa mga litratong ito.
Very sweet si Tom Rodriguez sa birthday message niya para kay Carla Abellana noong June 2017. Aniya, "To the most radiant soul I know who never ceases to inspire, amaze and endow me with a sense of awe and wonder...to MY Wonder Woman, I wish for you the fruition of all your passions and dreams. My wish for myself however is to be right beside you throughout this journey so I may bathe in your iridescent light and bear witness to all that you set out to do and all that I know you are infinitely capable of :):):)To my rock, and my heart...Happy happy birthday. I pray that yours is a heart brimming with all the happiness it deserves. I love you!"
Kapamilya kung ituring nina Tom at Carla ang kanilang pets!
"My love" ang term of endearment nina Tom at Carla sa isa't isa.
Minsan naglalaro rin ang dalawa ng cute filters tulad nito.
Naging very excited si Carla bago lumabas ang reunion project nila ni Tom. Nasabi rin niyang mas matibay na ngayon ang relasyon nila ng aktor.
Totohanan naman talaga ang kilig moments nila on-screen. Pati si Carla tuwang-tuwa sa BTS photos nila ni Tom.
Very supportive din si Carla at Tom sa isa't isa. Nag-promote pa nga ng show ni Tom si Carla.
Sinasamahan din ni Carla si Tom sa mga gusto niyang gawin at puntahan, at very thankful naman si Tom dito. Aniya, "Geeking out with none other than THE @whilceportacio thank you for always being so accomodating!!! Aand thank you to @carlaangeline for indulging me lagi."
Magkasamang nag-celebrate ng Pasko noong 2020 sina Carla at Tom kasama ang kanilang fur babies.
Cute na cute sina Carla at Tom sa larawang ito na kuha mula sa kanilang bakasyon sa Amsterdam.
"Perfect couple" kung ilarawan sina Carla at Tom ng kanilang fans.
Parehong animal lovers sina Carla at Tom kaya naman tuwang-tuwa ang dalawa nang makakita ng koala sa kanilang pagbisita sa Australia.
Matapos ang 'I Heart Davao,' nagsama muli ang dalawa sa hit GMA primetime series na 'Love Of My Life.' Sa serye, ginagampanan ni Carla ang papel ni Adelle, biyuda ni Stefano, na ginampanan ni Tom.
Nanatiling matatag ang kanilang pag-iibigan kahit may pandemya.
Selfie moment muna habang nagbabakasyon sa Japan, na isa sa mga naging paborito destinasyon nina Tom Rodriguez at Carla Abellana.
Makikita sa kanilang mga relationship vlogs ang mga totoong eksena sa kanilang buhay.
Kahit ang simpleng pagasikaso ng mga gawaing bahay ay nagagawang tila date nina Tom Rodriguez at Carla Abellana.
"A million times, YES." Ito ang naging caption ni Carla sa revelation post niya sa social media na nagpapakita ng engagement ring niyang bigay ni Tom.
Matapos ang anim na taon ng pagiging mag-boyfriend at girlfriend, handa na sila magpakasal.
Marami ang naantig nang mag-propose si Tom Rodriguez kay Carla Abellana noong March 21, 2021.
Best wishes and congratulations, Tom Rodriguez and Carla Abellana!