'It's Showtime' family, lubos ang pasasalamat sa 15th anniversary ng programa

Punung-puno na ng excitement ang It's Showtime family dahil malapit na ang kanilang 15th anniversary celebration!
Nitong Biyernes, October 11, nagpasalamat ang mga host at staff sa kanilang natanggap na mga biyaya sa isang Thanksgiving mass. Present sina Vice Ganda, Jhong Hilario, Vhong Navarro, Karylle, Jugs Jugueta, Ryan Bang, Kim Chiu, Ion Perez, Ogie Alcasid, Lassy, Jackie Gonzaga, at Cianne Dominguez.
Pagkatapos ng kanilang blessed mass, diretsong ibinahagi nila ang kanilang excitement para sa anibersaryo sa isang media conference. Naging nostalgic ang kanilang pag-uusap dahil binalikan nila ang kanilang mga masasayang alaala at mga hamon na mas pinatibay ang kanilang pamilya.
Tingnan ang kanilang Thanksgiving mass at media conference sa gallery na ito:









