'It's Showtime' hosts name Kapuso artists they wish to work with

Simula April 6, mapapanood na ang noontime variety show na It's Showtime sa GMA.
Matatandaan na idinaos ang “It's Showtime sa GMA: The Contract Signing” noong March, kung saan present ang executives ng Kapuso at Kapamilya networks, pati ang hosts ng It's Showtime na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Karylle, Ryan Bang, Kim Chiu, Ogie Alcasid, Amy Perez, Ion Perez, MC, Lassy, Darren Espanto, Jackie Gonzaga at Cianne Dominguez.
Sa panayam ng GMANetwork.com sa ilang hosts ng programa, ibinahagi nila kung sinong Kapuso stars ang nais nilang makatrabaho sa isang proyekto. Alamin ang kanilang sagot sa gallery na ito.










