'It's Showtime,' mapapanood pa ba matapos i-deny ng MTRCB ang inihaing motion for reconsideration?

GMA Logo Kapuso celebrities

Photo Inside Page


Photos

Kapuso celebrities



Hindi inaprubahan ng MTRCB o Movie and Television Review and Classification Board ang isinumiteng magkahiwalay na motion for reconsideration ng GMA Network at ABS-CBN kaugnay sa 12-day suspension na ipinataw ng ahensya sa noontime show na It's Showtime.

Sa Fast Talk with Boy Abunda, ibinalita ng TV host na si Boy Abunda ang naging pasya ng MTRCB sa programa.

Ayon kay Boy, inilabas ng MTRCB ang kanilang desisyon sa isang press conference hapon ng Huwebes, September 28.

Base sa report ni Boy, hindi pa pinal ang hatol ng MTRCB dahil puwede pang iakyat ng GMA at ng ABS-CBN ang kanilang apila sa Office of the President sa loob ng labing limang araw simula September 28.

Ayon umano sa MTRCB, kung sakaling hindi pa rin ito panigan ng opisina ng Presidente, maaari pang dalhin ng dalawang network ang kanilang apila sa Court of Appeals hanggang sa Supreme Court.

Ibig sabihin, patuloy pa rin na mapapanood ang It's Showtime sa GTV at sa iba pang channels habang patuloy pa ring dinidinig ang reklamo.

Sa inilabas pa na report ni Boy, ayon umano kay MTRCB Chairperson Lala Sotto, “Wala 'din umanong effort ang It's Showtime at mga host nito to have a dialogue, to coordinate, or to cooperate with the MTRCB.

“Bagamat nilinaw ng MTRCB at judication chair na si Atty. Paulino Cases na dumalo ang representatives ng It's Showtime sa hearing matapos silang padalhan ng notice to appear.”

Dagdag pa ni Boy, nauna na umanong nilinaw ni Chairperson Sotto na bagamat physically present siya nang magdesisyon ang MTRCB board ay nag-inhibit siya sa pagboto at mag-i-inhibit din siya sa pagboto kaugnay sa ano mang reklamo sa kahit anong noontime shows.

Matatandaan na nagsimula ang reklamo sa It's Showtime dahil sa 'di umano'y indecent acts ng hosts nito na sina Vice Ganda at Ion Perez sa isa sa mga segment ng programa na 'di umano'y hindi maganda sa isip ng mga kabataan at taliwas sa ipinag-uutos sa Section 3 (c) of Presidential Decree No. 1986 at kaugnay na rules and regulations.

Samantala, bumisita naman sa set ng It's Showtime sina GMA Network Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Group Atty. Annette Gozon-Valdes, Sparkle GMA Artist Center Vice President Joy Marcelo, at Sparkle Senior Talent Manager Tracy Garcia sa episode nito ngayong Huwebes, September 28.

Present din sa show ang ABS-CBN executives na sina COO for Broadcast Cory Vidanes at Head of Non-Scripted Format Lui Andrada.

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.


It's Showtime
Rayver Cruz
Rodjun Cruz
Barbie Forteza
Barbie, Belle, Alexa, and Kim
Sanya Lopez
Jackie, Sanya, and Chie
Pokwang
Sparkle
Gabbi Garcia
Richard Yap
Unbreak My Heart

Around GMA

Around GMA

NLEX offers free toll on Christmas, New Year
Ika-169 nga kaadlawan sang Ilonggo nga baganihan nga si Graciano Lopez Jaena, ginakomemorar
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories