'It's Showtime,' pumirma na ng kontrata sa GMA; netizens, halo-halong emosyon ang naramdaman

Isang kasaysayan sa Philippine entertainment ang naganap noong Miyerkules, March 20, matapos ang opisyal na pagpirma ng kontrata ng ABS-CBN noontime variety show na It's Showtime sa GMA Network.
Mapapanood ang It's Showtime sa GMA simula April 6, Lunes hanggang Sabado, 12:00 p.m.
Present sa naganap na contract signing ang It's Showtime hosts na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Kim Chiu, Ogie Alcasid, Karylle, Amy Perez, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Darren, Ryan Bang, Ion Perez, Jackie Gonzaga, Mc, Lassy, at Cianne Dominguez.
Agad namang nag-trend sa X (dating Twitter) ang makasaysayang event na ito kung saan trending ang hashtag na "ShowtimeSaGMA," "Vice Ganda," maging ang "GMA Network" at "Kapuso."
Sa X, kitang kita ang excitement at saya hindi lang ng hosts ng It's Showtime kung hindi maging ng maraming netizens.









