Iwa Moto and Pampi Lacson take love to the next level in Japan

Matapos ang 14 na taon ng pagiging partners, engaged na ang dating aktres na si Iwa Moto at si Panfilo “Pampi” Lacson Jr.
Inanunsyo ni Iwa ang magandang balita noong February 18, kasabay ng isang video reel ng pagpunta nila sa Osaka, Japan. Sa video, makikita ang ilang moments ng couple sa naturang sa bansa.
Sa dulo ng video, magkahawak kamay na lumakad sila papunta sa camera, habang nakataas ang kamay ng aktres para ipakita ang kaniyang engagement ring.
Sa caption, ipinahayag ng dating aktres kung papaanong “always and forever” niya si Pampi, at nagpasalamat sa pagpapasaya nito sa kaniya.
“I can't wait to be your wife mahal. We have been together for almost 14 years and God knows we have been through alot but in His grace eto tayo, NAGMAMAHALAN. I can't wait to marry my best friend” sulat ni Iwa.
Isa sa mga unang bumati sa kanila ay ang dating asawa ni Pampi at ang aktres na si Jodi Sta. Maria.
Sabi ni Jodi sa comment section, “Life has a beautiful way of unfolding Congratulations on your engagement Madam and Pampi! Rejoicing with you both! This milestone is truly significant for the whole family! ”
Sagot naman ni Iwa, natupad niya ang pangako niya kay Jodi na ito ang unang makakaalam, “[Jodi], grabe ka mag predict amor. Love you. As promised ikaw ang isa sa mga naunang nakaalam hahaha. See you pag uwi namin”
Sa kanyang bagong Instagram post, ramdam na tila nasa cloud 9 pa rin si Iwa nang ipakita ang ilan pang mga larawan ni Pampi na kuha sa kanilang Japan trip.
Bukod sa Japan, ilang beses na rin nagpunta sa iba't ibang bansa sina Iwa at Pampi. Tingnan ang ilan sa travel snaps nila sa gallery na ito:









