Fast Talk with Boy Abunda
Iwa Moto, natatakot bumalik sa showbiz: 'Nasanay na po ako [sa buhay] na tahimik'

Bilang First Princess ng ikatlong season ng reality artista search na Starstruck, napatunayan ni Iwa Moto na kahit bago pa lang sa industriya at may kakayanan na talaga siya bilang isang aktres.
Sinundan pa nito ng ilang malalaking proyekto tulad ng Magic Kamison: The True Lindsay (2007) at Joaquin Bordado (2008), kung saan mas naipamalas ni Iwa ang galing niya sa pag-arte.
Ngunit sa gitna ng kasagsagan ng kaniyang magandang showbiz career, bigla na lamang niya itong tinalikuran.
Alamin ang mga naging dahilan ni Iwa Moto sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, June 8.









