Jackie Lou Blanco, Mariz Ricketts look back at their GMA Super Show experience and co-stars

Kilalang matalik na magkaibigan ang mga aktres na sina Jackie Lou Blanco at Mariz Ricketts. Una silang nagkakilala sa dating GMA show na “GMA Super Show” sa pangunguna ni Master Showman German Moreno o kilala rin bilang si Kuya Germs.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, September 24, binalikan nina Jackie Lou at Mariz ang panahon nila sa naturang show, kung saan nakasama nila ang ilan sa malalaking bituin ngayon tulad nina Sharon Cuneta, Dawn Zulueta, Maricel Laxa, Lani Mercado, at Gretchen Barretto.
Pagbabahagi ni Jackie Lou, ang unang impression niya kay Mariz noon ay tahimik at mahiyain.
“Very shy, very soft spoken, although nu'ng time na sumali siya, siya ay kumakanta na, may recording na, pero very shy, halos hindi mo marinig 'yung boses,” sabi ng aktres.
Dagdag pa niya ay very reserve at sweet si Mariz.
Kung quiet at shy ang tingin ng kaniyang kaibigan sa kaniya, ang tingin naman ni Mariz kay Jackie Lou ay aloof.
“Quiet siya, may mood siya talaga na parang minsan, tahimik lang siya sa isang tabi,” sabi ng model-actress.
Balikan kasama nina Jackie Lou at Mariz ang karanasan nila sa GMA Super Show sa gallery na ito:









