Jaclyn Jose, pumanaw na sa edad na 59

Pumanaw na sa edad na 59 ang batikang aktres na si Jaclyn Jose ngayong Linggo, Marso 3, 2024.
Huling napanood si Jaclyn sa GMA sa 2022 TV series na Bolera kung saan nakasama niya ang aktres na si Kylie Padilla.
Si Jaclyn ay isa sa itinuturing na pinakamahusay na aktres sa industriya na naging mukha ng mga classic teleserye at pelikula. Noong 2016, kinilala siya bilang kauna-unahang Filipina actress na nagwagi ng Best Actress award sa Cannes Film Festival sa kanyang natatanging pagganap sa pelikula ni Brillante Mendoza na Ma' Rosa.
Sa ngayon ay wala pang ibang detalye ang inilalabas tungkol sa dahilan ng pagkamatay ng aktres.
Samantala, narito ang ilang pang personalidad na gumulat at nagdulot ng matinding lungkot sa mundo ng showbiz dahil sa kanilang pagpanaw:










































