Better, stronger, at focused sa work. Ito raw ang estado ng buhay ngayon ng actor-entrepreneur na si Jak Roberto.
Matatandaan na noong Enero, nagulat ang showbiz nang kumpirmahin ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza na hiwalay na sila ni Jak matapos ang pitong taon.
Sa panayam 24 Oras, sinabi ni Jak na 'okay' siya dahil sa dami ng blessing na kaniyang tinatanggap.
Paliwanag nito, “Ever since naman, I'm good naman before I accepted this project okay na ako. With all the blessings I have now, I think I'm good. I'm okay and I'm strong enough to work again.”
Bibida si Jak sa upcoming GMA Afternoon Prime series na My Father's Wife, kung saan makakasama niya sina Gabby Concepcion, Kylie Padilla, at Kazel Kinouchi.
Hindi ito ang unang beses na makakatrabaho ni Jak si Kylie na nakasama na niya noon sa primetime soap na Bolera.
Nagkuwento pa ang aktor sa ilang eksena na kinunan nila sa serye tulad na lang ng intimate scenes nila ni Kylie.
“Very comfortable sa isa't isa," sabi ni Jak tungkol dito.
"Nandun 'yung trust, nandun si Coach Ruth every time na may mga intimate scene kami. Kino-coordinate namin bawat eksena sa isa't isa, nagco-collab kami kung paano namin atakihin.”
“'Pag nakita namin 'yung outcome, nasu-surprise kami na, yeah we did it.”
Para naman kay Kylie, ibinahagi niya kung paano niya binuo ang karakter bilang si Gina sa My Father's Wife.
“In this show I'm trying something new, 'yung character ko lang 'yung pinaghuhugutan ko. Although, of course I know what it feels like. Pero as much as possible character lang, it's a different approach to the craft.”
Mapapanood ang world premiere ng My Father's Wife sa darating na June 23.
Panoorin ang buong panayam dito:
Samanatala, balikan ang timeline ng relasyon nina Barbie at Jak dito:
Isa sa mga unang proyekto nina Barbie Forteza at Jak Roberto ay ang 2017 rom-com series na Meant To Be, kung saan isa ang aktor sa mga nakatambal ng aktres. Gumanap si Barbie bilang Billie, nakilala naman si Jak bilang Andoy.
Opisyal na naging magkasintahan sina Barbie Forteza at Jak Roberto noong May 19, 2017.
Nagkatambal sina Barbie Forteza at Jak Roberto noong 2019 sa fantasy series na Kara Mia. Bumida si Barbie bilang Kara at gumanap si Jak bilang Boni.
Tinawag ng fans ang kanilang tandem na JakBie.
Noong May 2019, ipinagdiwang nina Barbie Forteza at Jak Roberto ang kanilang second anniversary sa isang restaurant.
Kahit na nasa pandemic noon, ipinaramdam nina Barbie Forteza at Jak Roberto ang pagmamahal sa isa't isa kung saan nagpa-deliver ng seafood si Jak sa bahay ni Barbie at sabay silang kumain habang naka-video chat bilang selebrasyon sa kanilang ikaapat na anibersaryo.
Sa kanilang fifth anniversary, bumiyahe sa Bohol sina Barbie Forteza at Jak Roberto. Nagpalitan din sila ng sweet messages sa isa't isa sa kanilang Instagram accounts.
“I used to dream of fairytales and having a prince charming one day but you have made me love my reality. With you, I've had challenges that helped me become the best version of myself," sulat ni Barbie.
Hindi maitatangging naging supportive sina Barbie Forteza at Jak Roberto sa kani-kanilang solo careers.
Noong December 2019, lumipad papuntang Japan sina Barbie Forteza at Jak Roberto para ipagdiwang ang 26th birthday ng aktor. Ilan sa tourist spots na binisita ng dalawa ay ang Mt. Moiwa Bell of Happiness o "Lover's Sanctuary" kung saan magkasama nilang pinatunog ang bell nito.
Pinaniniwalaan na susundan ng kasiyahan hanggang sa hinaharap ang magkasintahang magkasamang magpapatunog ng bell dito.
Naging travel buddies din nila ang isa't isa.
Simple lamang ang naging selebrasyon nina Barbie Forteza at Jak Roberto sa kanilang ikapitong anibersaryo--isang restaurant date.
Sa mensahe ni Barbie para kay Jak, inalala nito ang pangako ng aktor sa kanyang pamilya. Sulat niya, "You never fail to treat me the way you promised my family you would. Lastly, you love and care for my family more than you should. You have raised the bar, my love. I'm so grateful for you. Mahal na mahal kita."
Sa 31st birthday celebration ni Jak Roberto noong December 2, 2024, ipinarating ni Barbie Forteza kung gaano siya ka-proud sa aktor. Sabi niya, "I am so proud of all your accomplishments. I remember we'd always talk about your dreams of having your own house and managing your own business. Ngayon, unti unti mong tinutupad ang mga pangarap mong yon and I am so happy to have witnessed it myself."
Ginulat ni Barbie Forteza ang lahat nang ianunsyo ang paghihiwalay nila ng longtime partner na si Jak Roberto noong Huwebes, January 2. Sa kanyang social media accounts, ipinarating ng aktres ang kanyang "beautiful goodbye" para kay Jak.